Wednesday, January 22, 2020



                                         LIONGO

                                    Akda mula sa Kenya



 PAGKILALA SA MAY AKDA

Hindi kilala ang may akda nito dahil matagal na panahon na itong  nalikha .
Ang nag udyok sa may akda na likhain ang mitong ito ay dahil narin sa kanilang paniniwala

URI NG PANITIKAN






Ang “Liongo” ay isang uri ng Mito. Dahil  ang /si Liongo ay itinuturing na bayani at diyos sa Kenya at ang akdang ito ay  baha-bahagi at di magkakaugnay na kwento na katangian ng isang Mito.


LAYUNIN NG MAY AKDA

Layunin ng may akda na ibahagi ang kanilang tradisyon at kultura. Nais din niyang magbigay aliw at aral sa mambabasa.


PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

                                                           KLASISMO

Dahil hindi naluluma o nalalaos ang mitong ito at ang bawat kabanata nito ay naitatak at napapanatiling buhay sa pamamagitan ng mga awitin na ginagamit parin sa lugar nila ngayon.


                                                        HISTORIKAL

 Dahil nailahad dito ang mga paniniwala at kultura ng mga taga-Africa (matrilineal at patrilineal)


TEMA O PAKSA NG AKDA


Ang akdang ito ay napapanahon dahil ang ibang parte sa kwento ay nangyayari parin sa kasalukuyan at ang akdang ito ay nag-aangat at tumutugon sa sensibilidad ng mambabasa  sa bahagi ng kwento kung saan pinatay si Liongo ng kanyang anak.

MGA TAUHAN SA AKDA


            Liongo 

         Isang mitolohikal na bayani ng mga                mamamayan sa Swahili at Pokolio                    sa Kenya.Siya ay malakas at                        kasingtaas ng higante.






             Sultan Ahmad

            Pinsan ni Liongo,siya din ang hari               ng Pate na nais mawala si Liongo.






              Mbwasho

   Siya ang Ina ni Liongo at                 ang tanging nakakaalam ng                 lihim ni Liongo.






TAGPUAN/PANAHON



Naganap ang kwento sa  Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate sa Kenya.
Nangyari ito noong unang panahon dahil ang Liongo ay isang mito.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


Ang nilalaman ng akda ay tungkol sa isang natatanging nilalang na  si Liongo na ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang hari sa pamamagitan ng pagpoprotekta nya sa mga tao sa kaniyang sinasakupan. Ang pinsan ni Liongo na si Sultan Ahmad ay nais siyang mawala sa buhay nito kung kaya't ginawa niya ang pagpapakulong kay Liongi. Ang aral sa kuwentong ito ay magirap magtiwala sa tao kahit pa ito'y iyong kamag-anak. Madaling intindihin ang kuwento at mayroong aral ito.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY



Maraming kaisipan o ideyang taglay ang nais ibahagi ng may akda tulad ng
“Kung sino pa ang akala mong tutulong sayo ay siya pang tatraydor sayo”
“Hindi lahat ng tao ay magugustuhan ka”
 “Ang nais mo lang mapagkatiwalaan ay ang iyong sarili”.

ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA 

ang estilo ng pagkakasulat sa akdang liongo ay maayos at mahusay sapagkat madali itong maintindihan ng mga mambabasa dahil na rin angkop ang mga salitang ginamit sa akda at naging mahusay naman sapagkat ang pagkakaumpisa nito ay sa mga karakter kung saan ipinakikilala nila ito ng maayos. ang pag kakaayos ng akda ay katulad na rin ng nakasanayan na kung saan ay mayroong panimula at hanggang papalapit sa wakas, ang pangunahing tauhan ay gumagawa ng paraan upang mapagtagumpayan ang isang bagay laban sa kasamaan.

BUOD 






Isinilang si Liongo sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. Siya ay malakas at malahigante, ang natatanging makakapatay lamang sakanya ay kapag isinaksak ang karayom sa kaniyang puson, Siya ang nagsisilbing mga bayani ng kanyang nasasakupan dahil walang nakakatalo sakanya.
Nang magbago ang naghahari sa kaniyang sinasakupan ay ipinakulong at kinadena siya nito. Kalaunan ay nakatakas siya sa tulong ng mga mamayan sakanila sa pamamagitan ng pagkanta.
Nang lumaon ay naisipan ng Hari na ipakasal si Liongo sa kanyang dalagang anak upang magkaroon ng bayani sa kanilang pamilya. Bandang huli ay pinatay ng kanyang lalaking anak si Liongo.
 
 

No comments:

Post a Comment